Manila Bulletin

Alay sa Lahi

Ruben Vega

Ni Ruben Vega

Hinamak mang buhay sa sirang Bandila sa nagisnang lupa’y maitatagdan din sa pagkadakila:

Ang punit na puri’y puri rin sa wika sa paniniwalang ang kabayaniha’y walang pagkasira. Kung nagdarahop man ang sariling lilim sa mithing magiting ako’y dumiripang kahoy sa dalangin: Ang munting anino’y aking pipiliting magsilbing panabing kahit sa sansulok ng Bayan kong giliw. Kung ako’y gumuhong alabok na lamang sa gulong ng araw at hapong gunitang nagsabulalakaw— Ay! alalahaning minsa’y may nabuhay sa diwa at kulay na nagmamalaking Pilipinong tunay!*

MGA NILALAMAN HUNYO 2023

tl-ph

2023-06-01T07:00:00.0000000Z

2023-06-01T07:00:00.0000000Z

https://manilabulletin.pressreader.com/article/282102051055798

Manila Bulletin Publishing Corp