Manila Bulletin

Anim na Makasaysayang Pelikulang Pilipino

Angela Javate

Ni Angela L. Javate

NGAYONG ika-12 ng Hunyo, ating ipinagdiriwang ang ika-125 taon ng Araw ng Kalayaan bilang paggunita sa kabayanihan ng mga Pilipino makamit lamang ang ating kasarinlan.

Mahalagang balikan at huwag kalilimutan ang mga pangyayari sa ating kasaysayan. Maaaring sariwain natin ito sa pamamagitan ng panonood ng mga lokal na pelikula na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan.

Narito ang ilang mga pelikulang Pilipino na naglalahad ng tunay na diwa ng nasyonalismo.

Heneral Luna

Ang pelikulang Heneral Luna ay idinirek ni Jerrold Tarog at pinagbidahan ni John Arcilla. Sumasalamin ang pelikula sa buhay at kamatayan ni Heneral Antonio Luna. Nanalo ito ng ilang parangal, kabilang ang mula Best Picture sa Luna Awards 2016, sa Best Cinematography 39th Gawad Urian Awards, at highest grossing sa Pilipinas. historical film

Ang Larawan

Larawan, sa direksiyon ni Ang Loy Arcenas, ay isang pagsasalinpelikula ng dulang A Portrait of an Artist ni Pambansang as a Filipino Alagad ng Sining na si Nick Joaquin. Isa itong musikal na pelikula na tumatalakay sa buhay ng isang pamilya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Tampok dito sina Joanna Ampil, Rachel Alejandro, at Paulo Avelino. Nanalo ito ng mga parangal sa 2017 Metro Manila Film Festival, kabilang ang Actress, Best Best Picture, Best Musical Score, Design, at Gatpuno Best Production Antonio J. Villegas Cultural Award.

Liway

Ang Liway sa direksiyon ni Kip Oebanda na pinagbidahan ni Glaiza de Castro bilang Liway, ay naglalahad ng kuwento ng isang ina na nakakulong sa panahon ng batas militar noong dekada ’80. Nagkaroon ito ng sa SOAS, University film screening of London sa United Kingdom. Nagwagi ito bilang Pinakamahusay na Pelikula sa mula sa 3rd Guild of Karapatang Pantao Educators, Mentors, and Students - Hiyas ng Sining, Audience Choice Award para sa kategoryang at full-length feature film Special Jury Commendation sa Cinemalaya Independent Film Festival, Pinakamahusay at sa FAP na Aktres Serye ng Salaysay Awards, sa Entertainment Pamamatnugot Editors’ Choice Awards, at at Best Actress sa 2022 Filipino Arts & Gold Recognitions Cinema International (FACINE) Film Festival sa San Francisco, Estados Unidos.

Goyo: Ang Batang Heneral

Ang Goyo: Ang Batang Heneral ay Iderek ni Jerrold Tarog at pinagbidahan ni Paulo Avelino. Ang pelikula ay nakabatay sa tunay na buhay ng isang batang heneral na si Gregorio del Pilar. Nagkamit ito ng mga parangal tulad ng Best Motion Picture sa Luna Awards 2019, Best Production Design sa Entertainment Editors’ Choice Awards (The EDDYS) 2019, at Best Sound, Best Cinematography Direction, Best sa Gawad Urian Awards noong 2016.

Quezon’s Game

Ang Game, sa Quezon’s direksiyon ni Matthew Rosen ay pinagbidahan ni Raymond Bagatsing. Nagsasalaysay ito ng mga pangyayari sa buhay ng dating Pangulong Manuel L. Quezon at ang kanyang plano na tanggapin ang mga Hudyo na tumakas sa Alemanyang Nazi noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nagkamit ito mga parangal mula sa Cinema World Fest Awards, WorldFest-Houston International Film Festival, IndieFEST Film Awards, at sa Remi Award. Best Foreign Picture

Baler

Ang sa direksiyon ni Mark Meily Baler, ay tungkol sa pag-iibigan ng isang Filipino-Kastilang sundalo at Filipinang tubong Baler na pinagbibidahan nina Jericho Rosales at Anne Curtis. Ang pelikulang ito ay base sa isang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas na kinikilala bilang na The Siege of Baler naganap noong panahon pa ng mga Kastila. Nagkamit ito mga parangal mula sa Metro Manila Film Festival, Gawad Genio Awards, FAMAS Awards, at FAP Awards.

MGA NILALAMAN HUNYO 2023

tl-ph

2023-06-01T07:00:00.0000000Z

2023-06-01T07:00:00.0000000Z

https://manilabulletin.pressreader.com/article/282252374911158

Manila Bulletin Publishing Corp