Manila Bulletin

Pitik/Tapik

Luis P. Gatmaitan, MD

Kolum ni Luis P. Gatmaitan, MD

ANO po ba ang mayroon sa telebisyon na sapat upang tangkilikin ito kaysa social media?” gayon ang pambungad na tanong ng isang estudyante sa College of Mass Communications ng UP Diliman sa idinaos nilang open forum sa kolehiyo nila. Isa ako sa naanyayahang tagapagsalita (at nakaupo sa panel discussion) ng “PAGMULAT ANG MATA: A Colloquium on Children’s Television in the Philippines.”

Kasama kong tagapanayam sa naturang kumperensiya sina Mr. Augie Rivera, kilalang writer ng TV show na BATIBOT noong dekada 90, at Dr. Ruby Roan-Cristobal, ang writerproducer sa likod ng sikat na science-oriented TV show na SINESKWELA noong dekada 90 rin. Kahit ang moderator ng naturang seminar - si Dr. Daphne Tatiana ‘Data’ Canlas ng UP MassCom ay dati ring kabahagi ng popular na TV

children’s show na ‘5 and Up’ noon.

Nagulat kaming tatlo sa tanong na ‘yun. Ano nga ba ang meron sa TV na di pa na-cover ng

facebook, at iba pang anyo ng social youtube, media? Kumbaga, inihahanap niya ng dahilan kung bakit kailangan pa rin nilang manood sa regular na sa telebisyon. Paano

programming raw ba nila pipiliin ang TV kung mas

interesting ang mga nakikita sa social media? Sa dami ng games, at panoorin na agad

sites, apps, nakukuha ang interes nila sa social media, paano ba nila pipiliin ang medium na telebisyon?

Oo nga naman. May punto. Tanggap na natin na lahat ng bata’t kabataan ngayon ay nabibilang na sa tinatawag na natives.’ Natural na

‘digital sa kanila ang pumindot ng cellphone at iba pang gadgets. Sila rin ang mga kabataang sanay sa

at maikli ang attention span. Paano multi-tasking nga ba nila mas papaburan ang telebisyon kontra sa mas kahali-halinang mundo ng

digital technology?

“Kailangang mag-level up ang industriya ng telebisyon! Kung hindi, kakainin ito ng social media!” ito ang mataginting na hamon ni Dr Ruby Cristobal. Naniniwala siya na may dapat gawing pagbabago (‘upskilling’?) sa nasabing industriya upang di ito tuluyang maiwan ng social media.

Tapos na ang panahon na nag-aapura tayong umuwi ng bahay upang habulin ang isang palabas, teleserye, o balita na napapanood sa TV sa isang tiyak na oras. Ngayon ay on-demand na rin ang panonood ng TV. Puwede natin itong gawin sa oras na gusto natin. Pagpunta natin sa youtube, naka-upload na rin doon ang laman ng balita. Kahit ang popular na o

game show entertainment show na pinapanood natin ay nakaupload na rin agad sa youtube.

Ngayon, kahit sa bitbit na cellphone o iPad ay puwede na tayong manood ng paborito nating TV

show. Nagpanibagong-anyo na ang telebisyon. Hindi na ito kagaya ng dati na may kaha at paa, may matambok na likuran, o na hugis

flat parihaba. Nakakaya na nating hawakan sa ating palad ang telebisyon!

Sadyang nakakagulat ang teknolohiya. Malingat ka lang saglit, may bago na namang lalabas. Ni hindi pa nga natin nama-master ang isang kararating lang na technology, heto’t may dumarating na namang bago.

“It’s na ipinagdiriwang natin ang ika-70

ironic taon ng pagdating ng telebisyon sa Pilipinas pero waring nakaamba na ang kamatayan nito,” sabi ni Dr. Alvin Aguirre, propesor sa UP Mass Comm. “Kung tutuusin, bata pa ang telebisyon sa Pilipinas. Taong 1953 lang nang unang magkaroon ng telecast sa Pilipinas. Ngayon ay ika-70 taon pa lamang pero marami na ang nagtatanong kung relevant pa ba ang telebisyon.”

Sabi ni Mr Augie Rivera, kahit ulitin pa ang patok na format ng Batibot noon, baka hindi na rin ito mag-appeal pa sa mga batang manonood ngayon. Nag-iba na ang gusto ng mga bata ngayon. Kumbaga, ang bawat henerasyon ng batang manonood ay may hinahanap sa isang palabas. Kailangan ay laging sensitibo ang mga manunulat na pantelebisyon sa kung ano ang swak o sakto sa mga kabataan ngayon.

Sa dakong huli, kaming tatlo ay nagkasundo sa pagsasabing dapat ay paghusayin at palutangin ang makabuluhang content sa telebisyon. Magpokus sa content – sa mga content na pupukaw sa interes ng mga manonood, sa mga content na magpapatatag ng karakter, sa mga content na mag-aalay ng pagasa (hope) sa mga manonood.

Iyon lamang siguro ang maipantatapat ng telebisyon sa teknolohiyang

social media.

Tapos na ang panahon na nag-aapura tayong umuwi ng bahay upang habulin ang isang palabas, teleserye, o balita na napapanood sa TV sa isang tiyak na oras. Ngayon ay on-demand na rin ang panonood ng TV.

MGA NILALAMAN HUNYO 2023

tl-ph

2023-06-01T07:00:00.0000000Z

2023-06-01T07:00:00.0000000Z

https://manilabulletin.pressreader.com/article/282475713210550

Manila Bulletin Publishing Corp