Manila Bulletin

Sanya, sexiest yaya sa YouTube

By RUEL J. MENDOZA

Nagpasalamat si Sanya Lopez sa pag-trend niya sa YouTube kamakailan bilang “sexiest yaya.”

Umabot na sa higit na 3 million views ang video ng pagrampa ni Yaya Melody na naka-red bikini.

Kuha ito sa isang eksena sa show niya sa GMA na “First Yaya.”

Nagulat si Sanya na nag-viral ang eksenang iyon.

“Siguro na-miss nila na magsuot ako ng swimwear kasi bilang Yaya Melody, nasanay silang naka-uniform akong pang-yaya kaya ang daming nag-abang,” tawa pa ni Sanya na laking pasamalat sa mga fans na nagpa-trend sa video.

Dahil sa “hot yaya” ngayon si Sanya, umabot na sa 3.2 million ang followers niya sa Instagram.

FRONT PAGE

en-ph

2021-05-06T07:00:00.0000000Z

2021-05-06T07:00:00.0000000Z

https://manilabulletin.pressreader.com/article/281586653466134

Manila Bulletin Publishing Corp