Manila Bulletin

Aljur, Kylie magkabalikan kaya?

ROWENA AGILADA

Nangangamoy balikan nga ba sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica? How true kaya ang tsika na diumano’y nag-e-effort si Aljur na ligawan muli ang kanyang estranged wife?

Kung mabibigyan daw siya ng second chance ni Kylie ay gusto niyang maayos ang kanilang pagsasama.

Matutuwa si Robin Padilla dahil gusto niyang magkabalikan sina Kylie at Aljur.

Kontra naman diumano ang Mama Liezl Sicangco ni Kylie. Kapag nagloko raw ang isang lalaki ay uulit-ulitin nito. Based from her experience kaya sa exhusband niyang si Robin, kaya nasabi ‘yun ni Liezl?

For now, co-parenting sina Kylie at Aljur sa mga anak nilang sina Alas at Axl.

Naaksidente

Nagkaroon ng freak accident si Carla Abellana sa lock-in taping ng isang upcoming GMA series. Hindi naman niya sinabi sa kanyang IG story kung ano at bakit siya naaksidente.

Pero okay naman na ang Kapuso actress. Sa October 23 ang church wedding nila ni Tom Rodriguez sa Tagaytay na ani Carla, nakaka-stress daw pala. Kahit may wedding planners sila’y hands-on pa rin sila ni Tom sa wedding details.

Born –Again

Born-Again Christian na si Kristoffer Martin. Recently ay dumalo siya sa isang workshop service sa Grace Cornerstone City Church Inc.

Aminado si Kristoffer na marami siyang pagkakamali sa buhay. Gusto niyang ituwid ang mga ‘yun.

Naging controversial si Kristoffer nitong mga nakaraang buwan. May socmed war sila noong nag-break sila ng non-showbiz partner niyang si AC Banzon. May anak silang babae.

Bad break-up din ang nangyari kina Kristoffer at Kapuso star Liezl Lopez. Six months sila nagkarelasyon.

Isa sa mga promising Kapuso male stars si Kristoffer noong teenager pa siya. It’s never too late para makabawi siya ngayong mature na siya, lalo pa’t si Mr. Johnny Manahan na ang consultant ng GMA Artists Center.

FRONT PAGE

en-ph

2021-07-30T07:00:00.0000000Z

2021-07-30T07:00:00.0000000Z

https://manilabulletin.pressreader.com/article/281612423438588

Manila Bulletin Publishing Corp