Manila Bulletin

Cristine, may trauma sa bagyo

By RUEL J. MENDOZA

Dahil sa walang tigil na malakas na ulan dala ng Habagat, dagdag pa ang biglaang paglindol, bumalik sa naalala ni Cristine Reyes ang takot noong malubog sa baha ang kanilang two-storey house sa Provident Village sa Marikina City noong kasagsagan ng bagyong Ondoy noong 2009.

Inamin ni Cristine na tuwing umuulan ng malakas ay nakakaramdam siya ng takot.

Post ng aktres sa Instagram: “Living on top of a building and then waking up with an earthquake made me jump out of my bed feeling so terrified. It reminded me of the devastating flash flood caused by typhoon ‘Ondoy.’ I have seen people got locked up trying to break their own windows and heard people screaming for help until you hear them no more..some drowned and some like me was able to swim fast whilst assisting my precious little nieces, little sister and my mom. We all climbed up on the roof with baby snakes and rats dangling on my/our body.”

Kaya tuwing ganito raw ang panahon, parating taimtim ang dasal ni Cristine.

“Bihira ako manalangin pero naiiyak ako kasi kahit minsan lang ako lumapit palagi siyang andyan. Palagi niya akong sinasamahan. Siya talaga ang sandalan nating lahat.”

ENTERTAINMENT

en-ph

2021-07-30T07:00:00.0000000Z

2021-07-30T07:00:00.0000000Z

https://manilabulletin.pressreader.com/article/281629603307772

Manila Bulletin Publishing Corp