Manila Bulletin

Monsour del Rosario balik pulitika!

By DELIA CUARESMA

Gumawa ng ingay ang action star na si Monsour del Rosario matapos itong makipagpulong kamakailan sa tandem nina Senador Panfilo Lacson at Senate President Tito Sotto kasama ang ilang dating mambabatas.

Sigurado na daw ang pagbabalik ni Monsour sa larangan ng politika.

Ang siste, ano kaya ang tatakbuhin niya? Senator o Congressman?

Wala pang opisyal na pahayag si Monsour. Gayon din ang kampo ni Ping at Tito.

Kung saka-sakali, dagdag si Monsour sa mga pamosong pangalan na sumanib na sa kampo ni Ping at Tito, huh!

Una nang nabanggit na sumama sa kampo sina Lucy Torres, JV Ejercito, Chiz Escudero, Sherwin Gatchalian, Migz Zubiri at Loren Legarda.

Inanunsyo na rin na kasama nila ang dating vice president ng bansa na si Jejomar Binay.

May tsika rin na may reserbang slot ang Tito-Ping tandem kung tatakbo sa Senado sina Vilma Santos at Kris Aquino.

FRONT PAGE

en-ph

2021-07-30T07:00:00.0000000Z

2021-07-30T07:00:00.0000000Z

https://manilabulletin.pressreader.com/article/281638193242364

Manila Bulletin Publishing Corp