No regrets
BY RUEL J. MENDOZA
Nagbida ng tatlong beses sa GMA si Kim Rodriguez bago siya nauwi sa pagiging kontrabida sa teleserye.
Maraming nanghinayang dito. Naniniwala silang mas bagay si Kim na bida dahil sa taglay na magandang mukha at katawan.
Pero no problem si Kim dito. Wala nga raw siyang regrets accepting kontrabida roles.
Sey niya, “It’s okay po sa akin magkontrabida ngayon. I have no regrets. Ang importante ay tuluytuloy po ang trabaho at thankful ako sa GMA dahil tiwala pa rin sila sa akin.”
Kung tutuusin, mas naging visible pa si Kim ngayong nag-shi siya from bida to kontrabida.
Anyway, less pressure din daw sa kanya ito dahil hindi na siya yung magdadala ng teleserye.
“Happy naman po ako sa mga roles na binibigay sa akin. Napaglalaruan ko ang character ko.
Kapag bida ka kasi, mas malaki ang pressure. Nakasalalay sa yo yung outcome ng teleserye. At least now, mas relaxed ako at the same time, di po ako nababakante.”
Napapanood si Kim sa “Stories from the Heart: Never Say Goodbye.”
EDITORIAL
en-ph
2021-10-28T07:00:00.0000000Z
2021-10-28T07:00:00.0000000Z
https://manilabulletin.pressreader.com/article/281633898449563
Manila Bulletin Publishing Corp