Manila Bulletin

Swak na swak!

JUN NARDO

Pasok kina Councilor Jomari Yllana at Abby Viduya ang kasabihan sa pag-ibig na, “First love never dies.”

Imagine, naging lovers sa murang edad, naghiwalay, nagkanya-kanya ng buhay at ngayon, back to each other’s arm, huh!

Sa totoo lang, fresh pa rin ang beauty ni Abby nang ipinasilip siya ni Jom sa virtual mediacon niya sa press kamakailan. Totoo yata ang balitang si Abby ang kanyang lucky charm bilang konsehal sa Paranaque City.

Iniwan man ng actor ang showbiz, happy naman siya sa paglilingkod sa Paranaque City kaya gusto niyang maglingkod muli sa 2022 upang patuloy pang maglingkod.

Tutulong

Isa-submit ng Heaven’s Best Entertainment ni Harlene Bautista ang natapos nilang Rita Daniella at Ken Chan movie na dinirek ni Joel Lamangan para sa 2021 Metro Manila Film Festival.

Deadline na ng submission ng entries sa Oct. 31 at sa pagbubukas ng mga ilang sinehan sa November 20, umaasa si Harlene na papasok na rin ang manonood sa sinehan.

Isa ang entertainment industry na gustong tulungan ng kapatid niyang senatoriable na si Herbert Bautista.

Nasa ilalim ng tandem nina Lacson at Sotto bilang President at VP si Herbert bilang senador.

ENTERTAINMENT

en-ph

2021-10-28T07:00:00.0000000Z

2021-10-28T07:00:00.0000000Z

https://manilabulletin.pressreader.com/article/281659668253339

Manila Bulletin Publishing Corp