Manila Bulletin

Ina Feleo, kasal na!

FIRST TIMER

JUN NARDO

Hindi napigilan ng COVID-19 ang pagpapakasal ng Kapuso artist at "Bilangin ang Bituin sa Langit" star na si Ina Feleo sa poging

Italian boyfriend nito na si Giacomo Gervasutti.

Naganap ang kasalan sa Pinto Art Museum sa Antipolo City last

Dec 1.

Ibinahagi ng best friend ni Ina na si Rommel de la Cruz sa kanyang Instagram ang ilang litrato sa kasal na pinost sa Twitter account ng gmanetwork.com.

Siyempre, pinairal ang social distancing at health protocols sa kasal at reception dahil nilimita sa 20 ang guests.

Sa totoo lang, dahil sa pandemya, nabulilyaso ang kasal this year ng ilang celebrities, huh!

Pero walang binatbat ang virus sa pagpapakasal ni Ina!

Kakaiba

Dalawang Metro Manila Film Festival entries ang kinunan sa ibang bansa.

Ito ay ang Regal movie na "The Missing" na kinunan sa Saga, Japan at "Tagpuan" na sa New York City naman kinunan.

Plus factor siyempre ito sa movies dahil ginastusan ito ng producers para sa lalong ikagaganda ng pelikula.

Isang horror movie ang "The Missing." Bida rito sina Ritz Azul, Miles Ocampo at Joseph Marco.

Forte rin ng Regal ang pagggawa ng horror films pero siniguro nitong kakaibang klase ng takot ang mararanasan ng manood.

Love story naman ang "Tagpuan" na tampok sina Iza Calzado, Shaina Magdayao at Afred Vargas.

Nakakaintriga ang role ni Shaina na base sa trailer ay nagbebenta ng "aliw.” Wow, huh!

Mapapanood sa UPSTREAM.ph ang dalawang entries na ito simula sa Dec. 25.

FRONT PAGE

en-ph

2021-12-04T08:00:00.0000000Z

2021-12-04T08:00:00.0000000Z

https://manilabulletin.pressreader.com/article/281586653882005

Manila Bulletin Publishing Corp