Nag-adjust

By RUEL J. MENDOZA

2022-01-15T08:00:00.0000000Z

2022-01-15T08:00:00.0000000Z

Manila Bulletin Publishing Corp

https://manilabulletin.pressreader.com/article/281552294221704

NEWS

Thankful si Glaiza de Castro na magaan ang bago niyang teleserye na “False Positive” kunsaan leading man niya si Xian Lim. Masyado raw mabigat ang “Nagbabagang Luha” last year at gusto nga raw niya na gumawa ng light drama or romanticcomedy. Inamin ni Glaiza na kailangan din niyang mag-adjust sa bagong teleserye dahil iba raw ang pagatake sa isang rom-com kumpara sa heavy drama. “Ang laki rin ng adjustments and super grateful ako kay Direk Irene (Villamor) kasi, actually, makulit din talaga siyang tao so na-break nga ‘yung walls kasi kapag nagdi-direk siya, minsan inaarte niya, minsan natawa ka na lang sa kanya. So, naiintindihan ko na dapat dun papunta kasi minsan magho-hold back pa ko eh, si Xian hindi siya nagho-hold back sa mga pa-adlib niya. Hindi siya nagho-hold back sa kung ano ‘yung gagawin niya. Kahit hindi masama sa edit gagawin niya,” sey ni Glaiza. Mas naging magaan daw kay Glaiza ang bagong teleserye dahil hindi raw siya napagod sa mga eksena kundi sa kakatawa, lalo na kapag kasama sa eksena sina Buboy Villar at Herlene Budol.

en-ph