BUNTIS?

ROWENA AGILADA

2022-01-15T08:00:00.0000000Z

2022-01-15T08:00:00.0000000Z

Manila Bulletin Publishing Corp

https://manilabulletin.pressreader.com/article/281629603633032

NEWS

Marami ang nagtatanong kung buntis na nga ba si Sarah Geronimo. Sigaw ng ilang “Marites?” Malamang! Ito ay dahil sa ilang photos ni Sarah na kumakalat sa social media na til raw may “baby bump.” Pansin din ng mga “Marites” na tumataba si Sarah. Malalaki ang kanyang mga braso, puwet at balakang. Senyales daw na baka nasa interesting stage si Sarah. Well, hindi naman nakakashock kung totoong buntis si Sarah. Magtu-two years na silang kasal ni Matteo Guidicelli sa February. Abangers ang mga “Marites” kung magkakaroon na nga ng little Matteo o little Sarah. Pinatira Sa bahay ni Jaclyn Jose sa Laguna nakatira ngayon sina Andi Eigenmann, Philmar Alipayo at mga anak nilang sina Lilo at Koa. Kasama rin si Ellie, anak ni Andi kay Jake Ejercito, at Toro na anak ni Philmar sa non-showbiz ex-partner niya. Nasalanta kasi ng bagyong Odette ang bahay nina Andi at Philmar sa Siargao. Karamihang lugar doon ay wala pang tubig at kuryente. Comment ng netizens, suwerte ni Philmar na mabait ang kanyang future mother-in-law.Hindi na siya namroblema kung saan niya ititira ang kanyang pamilya. Magbabalik Kaabang-abang ang pagbabalik ng telefantasyang “Encantadia” sa GMA7. Isa ito sa mga upcoming shows ng Kapuso Network ngayong 2022. Sa plug, “Sang-gre” na ang pamagat ng show na ayon sa isang source ay tungkol sa anak ni Danaya na ginampanan noon nina Diana Zubiri (version 1) at Sanya Lopez (version 2). Sino kaya ang gaganap na anak ni Danaya sa “Sang-gre’?

en-ph