Ping kay Kris: I wish her well

By DELIA CUARESMA

2022-01-15T08:00:00.0000000Z

2022-01-15T08:00:00.0000000Z

Manila Bulletin Publishing Corp

https://manilabulletin.pressreader.com/article/281505049581448

NEWS

Naku, huwag naman sanang magalit si Kris Aquino sa isang post sa Youtube ng presidential aspirant na si Ping Lacson, kung saan nasama ang name niya sa mga celebrity na nabanggit sa segment na “World Association Challenge.” Sa naturang challenge kasi, ilang pangalan ang babanggitin at magbibigay naman ng few words si Lacson na ikokonek niya tungkol sa kanila. At sa isang video post nga, kasamang nabanggit ang name ni Kris. “Good luck to her,” unang sabi ni Ping tungkol kay Kris. “I wish her well.” Dugtong pa ng senador, “She deserves to be happy.” Hindi kataka-taka na naisin ni Ping ang ikabubuti ni Kris dahil kilalang magkaibigang-dikit sila ng kuya ni Kris, ang dating Pangulong Noynoy Aquino. Nahaharap ngayon sa pagsubok ang kalusugan ni Kris dahil sa sakit niyang autoimmune disease. Bukod pa doon, kaka-break din lang nila ng fiance niya na si Mel Sarmiento. (Cavite). Exciting ito, dahil sinuman sa kanila ay pupuno ng last three (3) remaining slots sa Team Galing. Ang tatlong finalists ay maga-advance sa semi-finals upang lumaban sa current Team Galing members: Regielyn Fernandez (Baler), Jean Jordan (Taguig), Kim Macaraig and Kit Inciong (Batangas), Jamaica Lamit (Bicol), Mari Mar Tua (Pampanga), at Dennis Santos (Bulacan). Abangan ang “Sing Galing” every Monday, Tuesday and Thursday at 6:30pm sa TV5. Good luck sa lahat!

en-ph