Manila Bulletin

Ruru, na-depress!

By RUEL J. MENDOZA

Inamin ni Ruru Madrid na naranasan niyang ma-depress noong 2021.

Ito ay dahil ilang beses daw kasing natigil ang lock-in taping nila ng pagbibidahang action teleserye na “Lolong” dahil parating may nagpa-positive sa COVID-19 sa production.

“Ang dami kong pinagdaanan na challenges. Umabot sa point na na-depress ako, nawalan ako ng drive, ng passion," sey ni Ruru na naghihintay ng bagong lock-in taping schedule.

Naging frustration din sa aktor ang kanyang personal na relasyon sa ibang tao.

“Lagi akong bukas sa lahat ng tao. To be honest umabot sa point na nawala na 'yung pagmamahal ko sa sarili ko kasi lahat binigay ko na sa bawa’t tao. It’s not being selfish kung uunahin mo sarili

mo. Hindi ka makakamahal ng ibang tao kung hindi mo mahal

sarili mo. Hindi mo kayang rumespeto ng ibang tao kung hindi mo nirerespeto sarili mo. Kailangan mo simulan sa sarili mo bago sa ibang tao.

“Kahit anong pagsubok, na challenge na pagdadaanan ko,

kakayanin ko na. Hindi ko susukuan dahil alam ko na kakayanin ko siya as long as may goal ako,” diin pa niya.

Kaya malaki ang pasasalamat ni Ruru sa rebranding sa kanya ng

Sparkle dahil bukod sa acting projects, binigyan siya ng opportunity na magkaroon ng sariling YouTube channel at vlog series.

“I just wanted to show the world kung sino talaga ako, yung totoong ako. “Yun” yung goal nito," sey ni Ruru.

Sa future vlogs ng aktor, gusto niyang maka-collab sina Mimiyuuuh at Alex Gonzaga.

NEWS

en-ph

2022-01-19T08:00:00.0000000Z

2022-01-19T08:00:00.0000000Z

https://manilabulletin.pressreader.com/article/281586653967141

Manila Bulletin Publishing Corp