Manila Bulletin

SINUGOD?

TIMING

ROWENA AGILADA

Sa isang event daw ng ABS-CBN noong December last year ay may naganap na suguran.

Involved daw dito sina Francine Diaz at Andrea Brillantes.

Nagsimula ito ng niyaya diumano ng glam team ni Francine si Seth Fedlin na mag-join sa kanilang picture-taking. Hindi raw ‘yun nagustuhan ni Andrea, kaya sinugod niya sa dressing room si Francine.

Ikwinento ito ni Ogie Diaz sa isang vlog. Ayon sa source ni Ogie, na-off si Seth sa ginawa ni Andrea, kaya nagpunta siya sa house nina Francine para mag-sorry. Lumabas sa socmed ang photo na kasama ni Seth ang pamilya ni Francine. At sumabog na nga sasocial media ang gulo.

Totoo kayang pinagsabihan diumano ng management ng ABS- CBN na huwag nang magsalita sina Andrea at Francine hinggil sa isyu?

Tsika pa raw ng kanyang source, since “Kadenang Ginto” days pa ay may silent gap na raw sina Andrea at Francine.

Buking!

Tsika pa ni Ogie, ayon sa kanyang source ay more than two years naging magkarelasyon sina Andrea at Seth. Pero break na daw ang mga ito.

At kaya daw si Seth ang ipinareha kay Andrea ay dahil crush nitong si Andrea si Daniel Padilla na kahawig ni Seth. In real ife, si Francine raw ang talagang type ni Seth.

Sa lumabas na isang old video na magkakasama sina Seth, Andrea, Francine at Kyle Echarri, kapansinpansin na kahit si Andrea ang katabi ni Seth ay nakatutok ang tingin niya kay Francine. Nag-a-apiran pa sila ng kamay behind Andrea’s back.

Sa isa pang old video ay ibinuko ni Kyle na may “something” sina Seth at Francine, kaya naghampasan sila ng unan.

Sa vlog ni Francine late last year, sinabi niyang wala siyang boyfriend. Well….

ENTERTAINMENT

en-ph

2022-01-19T08:00:00.0000000Z

2022-01-19T08:00:00.0000000Z

https://manilabulletin.pressreader.com/article/281638193574693

Manila Bulletin Publishing Corp