Manila Bulletin

Kim Domingo fan girl

JUN nardo

Malupit ang pagiging fan girl ng Kapuso bombshell na si Kim Domingo.

Para makakuha ng tickets sa fan meet sa bansa this August ng South Korean singer-actor na si Lee Dong-min, mas kilala bilang si Cha Eun-woo eh, talaga namang nakipagsiksikan ito along with thousands of other fans, huh!

Ang siste, galing pa siya sa trabaho sa lagay na ‘yun!

Mula sa taping ng Kapuso series na “Start Up PH,” at kahit wala pang tulog at ngarag sa trabaho, dumiretso si Kim sa isang mall sa Quezon City.

Ipinakita nito sa kanyang Instagram

ang pagpila kasama ang mga fans.

Ngiting- tagumpay naman si Kim nang mapalad na makakuha ng tickets matapos tumayo at pumila nang ilang oras!

Iniyakan!

Naging emosyonal ang “Bolera” lead actress na si Kylie Padilla matapos mapanood ang ipinadalang video sa kanya ng estranged hubby niyang si Aljur Abrenica.

Ipinost ni Kylie ang video sa social media at dun, makikitang nag-aaral lumangoy ang anak na si Alas.

“Oh my child, you put mama in a state of awe. I can only watch you grow into your own human being. Gosh lahat na lang iniiyakan ni mama huhuhu,” caption ni Kylie sa video.

Hiwalay man sina Kylie at Aljur, maayos ang co-parenting set up nila para sa mga anak na sina Alas at Axl, huh!

FRONT PAGE

en-ph

2022-07-05T07:00:00.0000000Z

2022-07-05T07:00:00.0000000Z

https://manilabulletin.pressreader.com/article/281608129133717

Manila Bulletin Publishing Corp