Manila Bulletin

Sanya, loveless pa rin

Rowena agilada

No time for love pa rin si Sanya Lopez. Busy-busy-han ang lola mo.

Matapos ang “First Lady,” sasabak naman siya sa recording at anytime soon nga ay iri-release (o released na?) ang first single niya titled, “Hot Maria Clara.”

Aniya sa isang panayam, maraming naka-line-up na plano para sa kanya sa mga darating na araw.

Isa kaya rito ang third season ng “First Lady?”

Sa ending kasi ng show, Madame President ang tawag sa karakter niyang Melody Acosta.

Nabasa rin namin ang tag nito na “sa muling pagkikita.”

‘Yun na kaya ‘yun? May nagsuggest pa ng title na “First Family” since nanganak na si Melody sa first baby nila ni President Glen Acosta (Gabby Concepcion).

Kapuso pa rin?

Mag-e-expire sa October this year ang kontrata ni Katrina Halili sa GMA Network.

Waiting siya sa desisyon ng management kung ire-renew pa ito o hindi na.

Given a choice, gusto ni Katrina manatiling Kapuso. Homegrown talent siya at produkto ng “Starstruck.”

Hindi kaya matulad siya kay Kris Bernal na kahit ano’ng parinig nito sa GMA7 na gusto niyang mag-renew ng kontrata ay hindi nangyari. Well, at least napapanood pa rin si Kris sa mga programa ng GMA7.

Kahit nakabitin pa ang kontrata ni Katrina ay kasama siya sa cast ng upcoming GMA show starring Kate Valdes and Mark Herras. Baka i-renew ang kontrata niya?

ENTERTAINMENT

en-ph

2022-07-05T07:00:00.0000000Z

2022-07-05T07:00:00.0000000Z

https://manilabulletin.pressreader.com/article/281629603970197

Manila Bulletin Publishing Corp