Manila Bulletin

timing

ROWENA AGILADA

Kinarir ni Seth Fedelin ang proposal niya kay Francine Diaz para maging prom date niya ito sa gaganaping Star Magical Prom on March 30.

Kinasabwat pa niya ang parents ni Francine at ilang close friends at staff ng ABS-CBN para sa surprise proposal.

Nagpunta pa sa Dangwa si Seth para bumili ng flowers.

Si Seth ang nag-ayos ng lighted candles na korteng puso. May pa-fireworks pa. Mistulang marriage proposal ang nangyari na ani Seth, kinabahan siya.

As expected, “Yes” ang sagot ni Francine nang nabasa niya ang “Will you be my prom date?” na kinarir ni Seth.

Ampon daw?

Fifteen years after namatay ni Rudy Fernandez, may lumutang na isang 85-year old na babae na nagpakilalang diumano’y kapatid ng yumaong action star.

Ayon sa isang panayam sa matanda ng Brigada News FM Butuan na inireport ng Pep, bunso diumano nila si Rudy at pinaampon daw ito sa Maynila.

Sa interbyu kay Rap Fernandez, panganay na anak ni Rudy sa asawang si Lorna Tolentino, aniya, dapat ay i-check munang mabuti ang facts bago i-publish ang gano’ng bagay.

Common knowledge na ang yumaong director na si Gregorio Fernandez ang father ni Rudy. May dalawa siyang nabubuhay na nakakatandang kapatid, sina Merle at Mary Ann.

Kataka-taka na bakit pinalipas pa ng matandang babae ang 15 years bago siya nagpakilalang kapatid ni Rudy?

Ano kaya ang motibo? Pumanaw ang aktor noong 2008 sa pancreatic cancer.

NEWS

en-ph

2023-03-22T07:00:00.0000000Z

2023-03-22T07:00:00.0000000Z

https://manilabulletin.pressreader.com/article/281663964251311

Manila Bulletin Publishing Corp