Manila Bulletin

Safe ba?

RICA CRUZ Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Sex and Relationships Therapist, and Sex Educator. Follow her at facebook.com/Thesexymind and @_ricacruz in Twitter and IG.

Hi Doc Rica

Safe po bang makipagpoolsex? Ano po ang mapapayo niyo dito? Napag-uusapan kasi namin itong mag-jowa pero di namin alam kung paano gagawin. Pool Boy

Hi Pool Boy!

Wow. Ang exciting naman ng pool sex! I’m glad na pinaguusapan niyo ito ng iyong partner at naghahanap kayo ng iba’t ibang paraan para masatisfy ang inyong curiosities.

Para sagutin kung safe ba ang pool sex, well, depende “yan. May mga panganib ang sex sa pool na dapat mong tandaan. Unang-una, mataas ang chance magkaroon ng aksidente o pagkalunod, lalo na kung lango sa droga o alak ang mga tao. Pangalawa, may mga germs ang pool na pwedeng magbigay ng infection sa inyong dalawa.

Pangatlo, ang chlorine sa pool ay nakakapagpa-dry ng balat at ng vagina ng babae, kaya pwedeng masakit ito para sa kaniya.

Kaya, kung gusto mo makipagpool sex, ito ang mga tips ko para sa iyo:

1. Siguraduhing malinis ang pool na iyong gagamiting. Kailangan ay regular itong nililinis para makaiwas sa impeksyon.

2. Subukan gamitin ang mga bahagi ng poolna mas mababaw o may hagdan para makakuha ng mas komportableng posisyon.

3. Pwede rin kayong gumamit ng floaters para siguradong hindi kayo malulunod.

4. Gumamit ng silicone-based lubricants bago pumasok sa pool para hindi ito masakit at mas smooth ang inyong experience. 5. Siguraduhing may sapat kayong privacy at huwag itong gawin sa public pool para hindi kayo mahuli at makasuhan.

Sana ay makatulong! Tandaan, it’s better to be safe in more ways than one!

Love and lust, Doc Rica

NEWS

en-ph

2023-06-08T07:00:00.0000000Z

2023-06-08T07:00:00.0000000Z

https://manilabulletin.pressreader.com/article/281543705321080

Manila Bulletin Publishing Corp