Manila Bulletin

Dalawang beses ikakasal!

By RUEL J. MENDOZA

Dalawang beses ikakasal sa Oktubre si Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina sa fiance niyang si Timmy Llana.

Sa October 3 ang beach wedding at ang church wedding naman ay sa October 10.

Kaya noong maganap ang despedida de soltera ni Maxine sa Boracay kamakailan, naging emotional ito dahil iyon na raw ang mga huling sandali na single siya.

“Feeling so grateful for the most amazing beach party bachelorette surrounded by my dearest family and friends! Thank you to everyone who made this day possible,” caption ni Maxine sa Instagram.

Present sa kanyang bachelorette party ay ang fellow beauty queen niyang si Ariella Arida at ang pinsan na si Dianne Medina na tumulong sa pag-organize ng kanyang bachelorette party.

Mapapanood soon si Maxine sa GMA teleserye na “Magandang Dilag” bilang kontrabida ni Herlene “Hipon Girl” Budol.

ENTERTAINMENT

en-ph

2023-06-08T07:00:00.0000000Z

2023-06-08T07:00:00.0000000Z

https://manilabulletin.pressreader.com/article/281595244928632

Manila Bulletin Publishing Corp