Manila Bulletin

INOKRAY!

ROWENA AGILADA

Pati si Carmina Villarroel, nadamay sa bashings sa kambal nila ni Zoren Legaspi na sina Mavy at Cassy Legaspi.

Anang netizens, bakit daw nito pinayagang mag-host ng new version ng “Eat Bulaga” ang mga anak? Pera-pera na lang daw ba talaga?

Matitindi ang panlalait sa kambal na kesyo, hindi pa nga raw sumisikat, e, malalaos na! Hindi rin naman daw magagaling umarte ang mga ito.

Sabi pa ng netizens, i-pull-out na ni Carmina ang kambal bago pa tuluyang masira ang image ng mga ito.

Sana raw pinag-isipan mabuti ni Carmina ang alok ng Tape, Inc. kay Mavy at Cassy.

Baka naman, no choice si Carmina dahil Sparkle talents ng GMA ang kambal?

Whether they like ito or not, ang management ang dapat masunod.

Anang netizens, okay lang daw sana kung pinalitan ang title ng noontime show.

Nagbanta pa ang netizens na hindi na nila panonoorin ang mga show ni Carmina sa GMA kung hindi niya ipu-pullout sina Mavy at Cassy sa “Eat Bulaga.”

Unang minahal

Naging bahagi rin ng original “Eat Bulaga” si Lara Quigaman. Nag-join siya sa “Tee Vee Babe” segment noon ng EB.

Naging 1st runner-up si Lara noong grand finals kung saan isa sa naging judge si Piolo Pascual. Ani Lara, doon niya unang nakita at minahal si Piolo.

Hindi man sila nagkatuluyan, nakita naman niya ang mga katangian nito sa lalaking napangasawa niya, si Marco Alcaraz.

Naging stepping stone ni Lara ang “Eat Bulaga” para makajoin siya sa beauty pageants at naging beauty queen bilang Miss International.

ENTERTAINMENT

en-ph

2023-06-08T07:00:00.0000000Z

2023-06-08T07:00:00.0000000Z

https://manilabulletin.pressreader.com/article/281715504012920

Manila Bulletin Publishing Corp